Nanindigan ang Malacañang na wala itong nilabag sa right to due process sa 60-araw na preventive suspension na ipinataw kay Davao del Norte Gov. Edwin Jubahib.
Ayon kay Executive Sec. Lucas Bersamin, pinag-aralang mabuti ang kasong administratibong isinampa ni Provincial Board Member Orly Amit laban kay Jubahib.
Nakita umano ang matinding alegasyon sa pag-abuso sa awtoridad ng gobernador matapos nitong bawian ng service vehicle ang board member nang walang ligal na batayan.
Kaugnay dito, ipinaliwanag ng Palasyo na sinuspinde si Jubahib upang maiwasan ang anumang posibleng pakikialam sa imbestigasyon, at ito ay alinsunod din sa Republic Act 7160 at Administrative Order 23 series of 1992.
Tiniyak ng Office of the President ang nananatiling transparency at pagiging patas sa lahat ng administrative proceedings.