Nakikiisa ang Malacañang sa pagdiriwang ng World Water Day ngayong araw ng Biyernes, March 22.
Hinikayat ng Presidential Communications Office ang publiko na pangalagaan ang yamang-tubig ng bansa.
Ito ay kaakibat ng pagsusulong sa karapatan ng lahat sa malinis na tubig.
Sinabi ng Palasyo na ito ang magiging daan tungo sa isang matatag, malusog, at nagkakaisang bagong Pilipinas.
Mababatid na ang Pilipinas ay nakararanas ngayon ng El Niño o matinding tagtuyot na malaking banta sa suplay ng tubig.