dzme1530.ph

Malacañang, nakikiisa sa pagdiriwang ng Health Workers’ Day

Nakikiisa ang Malacañang sa pagdiriwang ng Health Workers’ Day ngayong May 7.

Sa social media post, hinikayat ng Presidential Communications Office ang mga Pilipino na parangalan at bigyang-pugay ang health workers.

Isinulong din nito ang kanilang kapakanan at pagpapabuti ng healthcare system ng bansa.

Mababatid na sa ilalim ng Republic Act 10069, deklarado ang May 7 kada taon bilang Health Workers Day upang bigyang pagkilala ang serbisyo ng health workers.

About The Author