![]()
Inihayag ng Malacañang na suspendido ang pasok sa lahat ng tanggapan ng pamahalaan sa Disyembre 29 ng kasalukuyang taon at Enero 2, 2026.
Ayon sa Memorandum Circular Number 111 na pirmado ni Exec. Sec. Ralph Recto, layunin ng work suspension na bigyan ng buong pagkakataon ang mga kawani ng gobyerno na makapagdiwang ng Bagong Taon at makabiyahe pauwi at pabalik sa kani-kanilang mga probinsya.
Nilinaw ng Palasyo na mananatiling bukas at operational ang mga ahensya ng gobyerno na nagbibigay ng pangunahing, mahahalaga, at serbisyong pangkalusugan, gayundin ang mga may tungkulin sa kahandaan at pagtugon sa mga emergency.
Samantala, nasa diskresyon ng mga pribadong kumpanya kung ipapatupad nila ang kaparehong holiday policy.
