dzme1530.ph

Malacañang, ipinagtanggol si FL Liza sa pagdalo sa book launch at musical event sa gitna ng bagyong Tino

Loading

Ipinagtanggol ng Malacañang si First Lady Liza Araneta-Marcos matapos umani ng batikos dahil sa pagdalo nito sa isang book launch at musical event habang binabayó ng bagyong Tino ang bansa.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, hindi pribadong kasiyahan ang mga naturang aktibidad kundi mga opisyal na programa ng Palasyo na nagtatampok sa dating mga Unang Ginang at sa talento ng mga Pilipino.

Paliwanag ni Castro, ang mga dinaluhang event ng First Lady ay pormal na pagtitipon, hindi bakasyon o pribadong salu-salo.

Dumalo ang Unang Ginang sa book launch ng “Philippine First Ladies’ Portraits” noong Nobyembre 6 at sa Goldenberg Concert Series noong Nobyembre 7.

About The Author