dzme1530.ph

Mala-Alcatraz na supermax prison facility sa bansa, sinimulan nang itayo ng BuCor

Kinumpirma ng Bureau of Corrections (BuCor) na nagpapatuloy na ang isinasagawang pagtatayo ng ”supermax prison” facility sa bansa.

Ayon kay BuCor Director General Gregorio Catapang, ang mga itatayong supermax prison ay para sa Luzon, Visayas at Mindanao.

Ito ang magsisilbing mala-Alcatraz na kulungan dahil sa pagiging isolated nito.

Magiging bilangguan ito ng mga drug lord, gun for hire at terorista na maituturing anyang mga super offenders.

Karaniwang hinahanap na lokasyon para sa supermax prison ay yung mga hindi na nagagamit na pasilidad ng militar.

Sa ngayon may isa na anyang supermax na itinatayo sa Sablayan, Occidental Mindoro na nasa bundok na aabot sa halagang P400-M.

Kasabay ng pagtatayo prison facility, ay ang konstruksyon ng mga regular na bilangguan para sa bawat rehiyon sa bansa.

Kasunod na din ito ng tinatarget na pagsasara ng New Bilibid Prison sa 2028 at gawin itong “BuCor Global City” na isang museum at commercial area na bukas sa publiko. —sa ulat ni Tony Gildo

About The Author