dzme1530.ph

Makati local government, inatasan ng Korte sa Taguig na i-turnover ang EMBO facilities

Loading

Naglabas ang Regional Trial Court ng Taguig ng 72-hour temporary restraining order (TRO) laban sa Makati local government.

Inatasan ng Korte ang Makati na i-turnover ang government-owned facilities sa “EMBO” Barangays sa Taguig.

Ipinag-utos din ng Taguig RTC sa lokal na pamahalaan ng Makati na pagbawalan ang kanilang mga opisyal, kawani, at sinumang indibidwal na binigyan ng awtoridad, na pumasok at gamitin ang EMBO properties.

Kabilang sa mga property na kinu-kwestyon ay health centers, covered courts, multi-purpose buildings, day care centers, parks, at iba pang government properties for public use.

About The Author