dzme1530.ph

Makabayan bloc, duda sa timing ng direktiba ni PBBM na isauli ang ₱60-B PhilHealth funds

Loading

May hinala ang Makabayan bloc na inunahan lang ng Malacañang ang ilalabas na desisyon ng Korte Suprema nang ipag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagbabalik ng ₱60-B sa PhilHealth.

Para sa grupo, long overdue ang kautusan dahil simula pa lamang ay kuwestyunable na ang pagkuha sa health funds.

Duda si ACT Teachers Rep. Antonio Tinio sa timing ng direktiba, lalo na’t inaasahang lalabas na ang ruling ng Korte Suprema. Giit nito, ang pagsasauli ng pondo ay patunay na mali ang ginawang transfer mula sa health sector.

Para naman kay incoming Gabriela Rep. Sarah Ilago, maraming pamilya ang pinagkaitan ng essential medical services nang hugutin ang PhilHealth funds at ilaan sa infrastructure projects.

May hinala ang Makabayan legislators na kabilang ang nasabing pondo sa ginamit para pondohan ang mga unprogrammed projects, kabilang ang ₱225.3-B Strengthening Assistance for Government Infrastructure and Social Programs (SAGIP).

About The Author