dzme1530.ph

Major overhaul sa PCAB, dapat ipatupad

Loading

Iginiit ni Sen. Panfilo “Ping” Lacson na kinakailangang magpatupad ng major overhaul sa Philippine Contractors Accreditation Board (PCAB) sa gitna ng lumalalang usapin ng katiwalian sa mga flood control projects.

Ginawa ni Lacson ang pahayag kasunod ng pagbibitiw ni PCAB Executive Director Herbert Matienzo.

Ayon sa senador, nakakapagod na ang paulit-ulit na paglantad ng korapsyon sa gobyerno na aniya’y lalo pang lumalala.

Nauna nang ibinunyag ni Lacson ang mga kahina-hinalang gawain sa PCAB tulad ng accreditation for sale, conflict of interest ng hindi bababa sa dalawang miyembro ng board na may-ari rin ng construction companies na nakakuha ng kontrata mula sa pamahalaan, at umano’y pangingikil sa mga kontratista.

Binatikos din nito ang aniya’y “masangsang na amoy” ng korapsyon sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno, na lalo pang pinapalala ng sabwatan sa pagitan ng DPWH at ilang miyembro ng Kongreso.

About The Author