dzme1530.ph

Major infrastructure upgrade, isasagawa sa Laguna at mga kalapit na lugar —Pangulo

Nakatakdang magkaroon ng major infrastructure upgrade ang lalawigan ng Laguna at mga kalapit na lugar.

Ito ang naging paksa sa pulong sa Malacañang ng National Economic and Development Authority (NEDA) Board.

Ayon kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., isasagawa ang malakihang pagpapaunlad sa imprastraktura ng Laguna sa ilalim ng Laguna Lakeshore Road Network Project.

Samantala, titiyakin naman sa pamamagitan ng Project Development and Monitoring Facility, na magdadala ng kapakinabangan sa bawat Pilipino ang Public-Private Partnerships.

Sa ilalim ng Laguna Lakeshore Road Network Project, itatayo ang mga kalsada at iba pang imprastraktura habang isinasaalang-alang ang epekto nito sa ecosystem ng Laguna de Bay.

About The Author