dzme1530.ph

Maine at Arjo, tikom pa rin sa kanilang wedding date

Tikom pa rin ang showbiz couple na sina Maine Mendoza at Arjo Atayde sa ginagawang preparation at date ng kanilang kasal.

Sa naging panayam kay Arjo, sinabi nitong mas gusto nilang sila-sila na lang ang makaalam ng mga detalye ng kasal.

Share pa ng aktor, nag-eenjoy siya sa wedding preparations kasama si Maine dahil mas nalalaman niya umano ang mga hilig nito.

Kasunod nito, inamin ni Arjo na within this year ang kanilang kasal kaya hopefully aniya soon ay maibahagi nila ito sa publiko lalo na sa kanilang fans. —sa panulat ni Jam Tarrayo

About The Author