dzme1530.ph

Mahit 100 SK officials, na-food poison sa isang hotel sa SBMA

163 indibidwal ang halos sabay-sabay na dinala sa iba’t ibang ospital makaraang ma-food poison umano sa isang hotel sa Subic Bay Metropolitan Manila Development Authority.

Sinabi ni SBMA Public Affairs Department Head Armee Llamas, na kabilang ang 163 individuals mula sa 335 na Sangguniang Kabataan at City Officials ng San Carlos City sa Pangasinan, na nag-seminar sa isang hotel sa Olongapo City.

Aniya, bigla na lamang nakaranas ng pananakit ng tiyan ang ilang SK officials sa gitna ng seminar kaya tiningnan ng company nurse ang kalagayan ng mga pasyente saka tinurnover ang mga ito sa iba’t ibang pagamutan.

Ilan sa mga isinugod sa ospital ay nakaranas din ng pagsusuka at pagkahilo na agad namang nabigyan ng paunang lunas.

Posible umanong galing sa tubig o yelo ang ugat ng food poisoning.

About The Author