dzme1530.ph

Mahigit ₱47-M na halaga ng shabu, nakumpiska sa Bulacan

Loading

Aabot sa ₱47.6-M na halaga ng hinihinalang shabu ang nasamsam ng mga awtoridad sa Malolos, Bulacan.

Tinaya ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa pitong kilo ng shabu ang nadiskubre sa pitong brown-gold foil packs na may label ng Chinese characters na “freeso-dried durien.”

Limang suspek na kinabibilangan ng dalawang babae at tatlong lalaki ang dinakip ng mga awtoridad sa naturang operasyon.

Nakumpiska mula sa kanilang pag-iingat ang ilang cellphones, buy-bust money, at identification cards.

About The Author