Ipinamahagi ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang kabuuang 270 million pesos na Presidential Assistance sa mga lalawigan at siyudad sa MIMAROPA.
Sa seremonya sa Puerto Princesa City sa Palawan, ibinigay ng Pangulo ang 50 million pesos na tulong sa Palawan Provincial Government, 10 million pesos para sa Puerto Princesa City Goventment, at 39.13 million pesos para sa Marinduque.
Samantala, bagamat hindi nakadalo sa seremonya sa Romblon dahil sa masamang panahon ay iniabot pa rin ang 16.64 million pesos na Cash Aid sa Romblon Provincial Government, at tig-50 million pesos sa Occidental at Oriental Mindoro.
Ang presidential assistance ay ipamamahagi sa mga magsasaka at mangingisdang apektado ng El Niño.
Bukod dito, ipinamahagi din ang mga makinarya at kagamitan sa pagsasaka mula sa Department Of Agriculture, at tulong mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of Labor and Employment (DOLE), Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), at iba pang ahensya.