dzme1530.ph

MAHIGIT P6,200 NA DAGDAG SA AIRFARES, EPEKTIBO SA SUSUNOD NA BUWAN

Loading

Binigyan ng pamahalaan ng go signal ang airlines na itaas ang pasahe sa eroplano ng hanggang 6,200 pesos para sa mga flight na ibu-book sa unang 15 araw ng Abril.

 

Sa advisory, itinaas ng Civil Aeronautics Board (CAB) ang fuel surcharge sa Level 8 para sa April 1 to 15, mula sa Level 4 ngayong Marso, bunsod ng pagsirit ng presyo ng produktong petrolyo.

 

Sa Level 8, maaring magpataw ang airlines ng fuel surcharge na P253 hanggang P787 para sa domestic flights at P835.05 hanggang P6,208.98 para sa international trips, depende sa layo.

 

Ang bagong fuel surcharge ay applicable lamang para sa flights na ibu-book sa pagitan ng April 1 hanggang April 15. 

About The Author