dzme1530.ph

MAHIGIT P3 NA ROLLBACK SA DIESEL HABANG P1 SA GASOLINA, INAASAHAN SA SUSUNOD NA LINGGO

Loading

Matapos ang mahigit isang buwang malakihang pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo dulot ng kaguluhan sa Middle East, bahagyang makakahinga ang mga motorista sa susunod na linggo.
 
Sa gitna ito ng dalawang linggong ceasefire na napagkasunduan sa pagitan ng Estados Unidos at Iran.
 
Ayon sa oil industry source, bumaba ang presyo at premiums sa Means of Platts Singapore (MOPS) bunsod ng ceasefire deal sa Middle East.
 
Batay sa MOPS trading sa unang tatlong araw ng linggo, tinaya sa P2.50 hanggang P3.40 kada litro ang posibleng matapyas sa presyo ng diesel, habang piso kada litro naman sa gasolina.
 
Posible pang mabago ang projections, depende sa resulta ng trading hanggang bukas.

About The Author