dzme1530.ph

Mahigit P200-M na halaga ng mga pekeng produkto, nakumpiska ng NBI

Agad na bumuo ng tatlong grupo ang Raiding Team ng NBI- Intellectual Property Rights Division dahil sa mga natatanggap na reklamo at information hinggil sa talamak na bentahan ng iba’t-ibang pinekeng brand ng Luis Vuitton.

Bitbit ng mga tauhan ng NBI-IPRD ang anim na search warrant sa unang target ng mga otoridad sa Warehouse 6 ng RIS 1 Complex na matatagpuan sa 168 Merendo St, Barangay Tabe, Guiguinto Bulacan.

Sunod naman na pinuntahan ang apat na stall sa LRT Shopping Mall sa Lungsod ng Pasay City, at ang pangatlo ay ang isang stall sa Micar Shopping Center sa Parañaque City.

Nagresulta ang operasyon ng pagkakasamsam ng 1,588 piraso ng mga pekeng produkto ng Louis Vuitton na nagkakahalaga ng P206,000,000.

Dahil sa ginawang pamemeke ng mga produktong nabanggit, nahaharap ngayon sa paglabag sa R.A.  8293 Intellectual Property Code of the Philippines ang mga may-ari ng mga establisyimento at bodega. –sa ulat ni Felix Laban, DZME News

About The Author