dzme1530.ph

Mahigit P1-M overpayments ng PCO sa terminal leave benefits ng separated employees, pinuna ng COA!

Pinuna ng Commission on Audit (COA) ang overpayment ng terminal leave benefits ng presidential communications office sa kanilang separated officials at employees noong 2022.

Batay sa COA annual audit report, umabot sa P1.02-M ang overpayment sa terminal leave benefits ng separated employees dahil sa non-deduction ng forfeited mandatory/forced leave.

Ito ay bunga umano ng kapabayaan ng PCO Human Resource Development Division, na maituturing na paglabag sa section 25 (B) ng rule 16 ng Omnibus Rules on Leave.

Bukod dito, pinuna rin ang P25.75-M na halaga ng terminal leave payments na umano’y hindi suportado ng mga kumpletong dokumento.

Kaugnay dito, ini-rekomenda ng COA sa PCO na masusing pag-aralan, i-verify, at i-update ang lahat ng leave credits ng mga opisyal at empleyado, i-recompute ang schedule ng leave credits, at obligahin ang separated officials at employees na isauli ang labis na natanggap na terminal leave pay.

Ipinasasama rin sa PCO leave administration manual ang documentary requirements sa pagki-claim ng terminal leave benefits, habang pinagtatalaga rin ito ng officers na magmo-monitor ng certified leave credit upang maiwasan ang overpayments. —sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News

About The Author