Nasabat ng Bureau of Customs ang nasa 19,000 kahon ng mga smuggled cigarettes na nagkakahalaga ng mahigit P1.4-B sa isang bodega sa Indanan, Sulu.
Ayon kay BOC deputy commissioner Juvymax Uy, kasama nilang sumalakay ang Wesmincom, 11th Infantry Division ng Philippine Army, PAF-SPOW, Philippine Navy-NAVSOU, at Philippine Navy Naval Forces Mindanao sa isang warehouse na matatagpuan sa Sitio Buotan, Kajatian, Indanan.
Kabilang sa mga nakumpiska ay ang iba’t ibang iligal na imported brands ng sigarilyo gaya ng B&E ice menthol, souvenir menthol, new far menthol, cannon menthol, broadpeak black menthol, at bravo.
Dagdag pa ni Uy, ito ay posibleng magdulot ng kalugihan na aabot sa P7.6-B na halaga ng excise, VAT at penalties ng gobyerno.