dzme1530.ph

Mahigit isang dosenang babae sa isang paaralan sa Indonesia, kinalbo dahil sa umano’y maling pagsusuot ng Hijab

Mahigit isang dosenang babae ang kinalbo ng kanilang guro sa isang paaralan sa Indonesia dahil sa umano’y maling pagsusuot ng Hijab o Islamic headscarves.

Ayon sa pamunuan ng paaralan, isang hindi pinangalanang guro mula sa state-owned junior high school sa Lamongan Town, sa bahagi ng East Java Province ang gumupit sa buhok ng 14 na babaeng Muslim.

Napag-alaman na ang mga nasabing mag-aaral ay hindi nagsuot ng inner cups sa ilalim ng kanilang headscarves, na dahilan para maging visible ang mga hibla ng kanilang buhok.

Binigyang-diin naman ni Harto na hindi obligasyon ng mga babaeng Muslim na magsuot ng Hijab, subalit pinapayuhan ang mga ito na gumamit ng inner caps para sa mas malinis na appearance.

Samantala, humingi na ng paumanhin ang nasabing paaralan sa ginawa ng nasabing guro, na agad na sinuspinde matapos ang insidente. –sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author