dzme1530.ph

Mahigit dobleng-tagal nang biyahe, ininda ng mga pasaherong humabol ngayong Christmas Rush

Mahigit doble ang itinagal nang biyahe ng mga pasahero, bunsod ng mabigat na lagay ng trapiko sa lalawigan ng Quezon, kung saan mayroong ginagawang kalsada sa gitna ng Holiday Exodus.

Sinabi ni quezon 4th Engineering District Engineer Rodel Florido na ang traffic build-up ay bunsod ng on-going road repair dahil sa pinsala ng tuloy-tuloy na pag-ulan.

Aniya, may bahagi ng Maharlika Highway na maluwag na ang kalsada at mayroong four lanes subalit ang ilang bahagi ay nananatiling makitid o two lanes pa rin.

Ang mga sasakyan na dumadaan sa Maharlika Highway ay mga patungong Bicol, Visayas, at Mindanao.

—Ulat ni Lea Soriano-Rivera, DZME News

About The Author