Apektado ng magnitude 7.4 na lindol na tumama sa Manay, Davao Oriental noong Biyernes ng umaga ang operasyon ng 947 paaralan.
Sa tala ng Department of Education (DepEd), naapektuhan ng malakas na pagyanig ang kabuuang 89,691 mag-aaral at 8,327 guro sa siyam na rehiyon.
Kabilang dito ang 137 estudyante at 49 guro at staff na nagtamo ng mga injury.
Tinatayang aabot sa ₱2.118 bilyon ang halaga ng pinsala ng lindol sa mga paaralan.