Ininspeksyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Pambansang Pabahay Project sa Crystal Peak Estates, Brgy. Del Carmen, kasama si Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) Sec. Jerry Acuzar.
Sa ilalim ng proyekto, itinatayo ang 30 na 12-storey buildings sa 9.8 ektarya ng lupain, para sa pabahay sa Overseas Filipino Workers, at mga kawani ng lokal na pamahalaan, Department of Education, Philippine National Police, at Armed Forces of the Philippines.
Bukod sa pabahay, lalagyan din ito ng amenities tulad ng basketball courts, clubhouses, at swimming pools, at gayundin ang mga tindahan at iba pang commercial areas.
Mababatid na target ng administrasyong Marcos na makapagpatayo ng 1-M pabahay kada taon, o kabuuang 6-M pabahay sa buong termino ng Pangulo. —sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News