Mahigit 8,600 menor de edad ang nahuling lumabag sa vaping and smoking laws simula Mayo hanggang Disyembre noong nakaraang taon.
Ayon kay PNP Spokesperson, Police Colonel Jean Fajardo, nilabag ng mga naturang kabataan ang Executive Order 26 on smoke-free environments at ang Vaporized Nicotine and Non-Nicotine Products and Regulation Act.
Nilinaw naman ni Fajardo na kinastigo lamang ang mga nahuling menor de edad bago sila ibinalik sa kanilang mga magulang.
Idinagdag ng opisyal na dahil sa lumalaking bilang ng mga kabataang tumatangkilik sa e-cigarettes, nakipagpulong si Health Secretary Ted Herbosa sa PNP para paigtingin pa ang pagpapatupad sa smoking and vaping laws.