dzme1530.ph

Mahigit 888K botante, nakapagparehistro na para sa BSKE — Comelec

Loading

Umabot na sa halos 900,000 katao ang nakapagparehistro para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa loob lamang ng apat na araw, ayon sa Commission on Elections (Comelec).

Batay sa datos ng poll body, pumalo na sa 888,042 ang kabuuang bilang ng mga bagong rehistrado mula nang buksan ang voters’ registration noong Biyernes, August 1.

Central Luzon ang may pinakamataas na bilang ng registrants na nasa 208,398, sinundan ng Calabarzon na may 102,235, at National Capital Region (NCR) na may 34,131.

Pinakamababa naman ang bilang sa Cordillera Administrative Region (CAR) na may 12,987.

Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, ito na ang pinakamatagumpay na short-period registration campaign sa kasaysayan ng kanilang ahensya.

 

About The Author