Mahigit walumpung (80) foreign nationals ang dinakip ng mga awtoridad sa malawakang raid sa isang hinihinalang scam hub sa Makati City.
Sinalakay ng mga operatiba ng Bureau of Immigration Fugitive Search Unit ang isang condominium sa Barangay Pio del Pilar, matapos makatanggap ng intelligence information tungkol sa scam hub kung saan pinu-pwersa umano ang mga dayuhan na magtrabaho bilang scammers.
Mula sa 86 na inaresto, 82 ang Chinese, 3 ang Malaysians, at 1 ang Vietnamese.
Itinurnover ang mga banyaga sa BI Detention Facility sa Camp Bagong Diwa sa Bicutan, Taguig, habang naghihintay ng deportation.