dzme1530.ph

Mahigit 7,000 pasahero at mahigit 1,700 roro vessels, stranded dahil sa bagyong Kristine

Stranded sa mga pantalan ang mahigit 7,300 pasahero sa harap ng pananalasa ng severe tropical storm.

Sa press briefing sa Malakanyang, inihayag ni Philippine Ports Authority Assistant General Manager Atty. Mark Jon Palomar na may 1,733 roro vessels ang hindi muna pinayagang bumiyahe dahil sa masamang panahon.

Labing-apat na pantalan naman ang kasalukuyang apektado ng bagyo.

May mga naitala na ring pinsala sa tatlong pantalan kabilang ang Port of Bulan sa Sorsogon, Port of Pio Duran sa Albay, at Legazpi Port.

Pinapayuhan ang mga pasahero na huwag munang magtungo sa mga pantalan dahil wala rin namang biyahe sa ngayon.

Ang mga stranded na pasahero ay binibigyan ng pagkain ng Dep’t of Social Welfare and Development. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author