Nakapagtala ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ng 628 katao nasaktan dahil sa patuloy na pag-aalburoto ng Bulkang Mayon sa Albay.
Sa huling datos ng ahensya kaninang alas-8:00 ng umaga, hindi nabanggit kung ang pagkakalanghap ng usok o ang pagbuga ng volcanic debris ang dahilan ng pagkakasugat ng mga nasabing indibidwal.
Dahil dito, nilinaw ng NDRRMC na “for validation” pa ang naturang bilang ng mga nasaktan.
Nabatid na nananatili sa alert level 3 ang Mayon Volcano na tumutukoy sa posibilidad ng pagkakaroon ng mapanganib na pagsabog ng bulkan. —sa panulat ni Airiam Sancho