Tumanggap ang Comelec ng mahigit 600 kaso ng vote-buying bago ang 2025 midterm elections.
Unang inihayag ng poll body na mahigit 500 vote-buying cases ang kanilang iniimbestigahan subalit nadagdagan pa ito ng 100 kaso.
Tiniyak naman ni Comelec Chairman George Garcia na hindi sila magpapatumpik-tumpik na ipatupad ang batas at kung kinakailangang mag-disqualify sila ay gagawin nila kahit pa nanalo ang kandidato.
Ipinahiwatig din ni Garcia na batid nila ang umano’y vote buying incident sa Quezon City na nangyari noong Sabado at kahapon.