dzme1530.ph

Mahigit 60 patrol at iba pang mga misyon, isinagawa sa WPS sa loob mahigit dalawang linggo

Nagsagawa ang naval at air units ng Armed Forces of the Philippines ng 64 na patrol at iba pang mga misyon sa West Philippine Sea, bilang pagpapakita ng soberanya ng bansa sa mahalagang katubigan.

Kabilang dito ang 2 sealift missions, 14 na maritime patrols o sovereignty patrols, 1 maritime surveillance patrol, 1 medical evacuation at 2 rotation at resupply missions.

Ibinida ng AFP na matagumpay na naisagawa ng navy at air force ang mga misyon simula Oct. 1 hanggang 18, kasabay ng pagtiyak na mananatiling matatag ang kanilang paninindigan sa pagtatanggol sa teritoryo ng Pilipinas, partikular sa West Philippine Sea.

Nagsagawa rin ang militar ng 4 na maritime air surveillance at intelligence surveillance, at reconnaissance operations, kasama ang 40 maritime patrol. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera

About The Author