dzme1530.ph

MAHIGIT 48K VIOLATORS, NAHULI SA UNANG TATLONG ARAW NG PAGPAPATUPAD NG SAFER CITIES OPERATIONS SA METRO MANILA

Loading

Mahigit 48,000 violators ang nahuli sa unang tatlong araw ng implementasyon ng safer cities initiative operations sa Metro Manila.
 
Ayon sa PNP, kabuuang 42,257 ang mga nahuling lumabag simula April 6 hanggang 8, batay sa datos mula sa National Capital Region Police Office (NCRPO).
 
Sinabi ng PNP na 7,389 violators ang pinagmultahin, 403 ang kinasuhan, habang 15,584 ang binalaan at pinakawalan.
 
Pinakamarami ang lumabag sa pag-inom at paninigarilyo sa mga pampublikong lugar kung saan 7,300 ang nahuli.
 
Sinundan ito ng mga indibidwal na nasa kalsada nang walang suot na pang-itaas na damit, mga lumabag sa curfew na kinasasangkutan ng mga menor de edad, at mga nagvi-videoke o karaoke nang lagpas sa pinapayagang oras.
 
Pinakamarami ang nahuli ang Southern Police District na may 9,503 violators.

About The Author