Kabuuang 422 miyembro ng New Poeple’s Army (NPA) at kanilang mga tagasuporta ang na-neutralize sa iba’t ibang operasyon ng militar sa buong bansa, simula Jan. 1 hanggang March 14.
Ayon kay AFP Spokesperson, Col. Francel Margareth Padilla, ang nabanggit na pigura ay kinabibilangan ng 374 na sumuko, 15 inaresto, at 33 napaslang.
Sa naturang panahon, 56 na kuta ng NPA ang nakubkob habang mahigit 200 iba’t ibang uri ng armas at 71 anti-personnel mines ang narekober ng mga sundalo, at isinuko ng mga rebelde sa military units.
Idinagdag ni Padilla na ang pagdedeklara sa Surigao del Norte bilang “insurgency-free province” noong March 15 ay isang testamento ng epektibong implementasyon ng kanilang kampanya sa paglansag sa natitirang guerilla fronts.