dzme1530.ph

Mahigit 400 PDLs, nagtapos sa ilalim ng ALS ng DepEd-Manila

Nagtapos sa pag-aaral, ngayong araw ang nasa 411 na person deprived of liberty (PDLs) sa Male Dorm ng BJMP-Manila City Jail sa ilalim ng Alternative Learning System (ALS) ng Department of Education (DepEd) sa tulong ng lokal na pamahalaan ng Maynila.

Ayon kay Jail Superintendent Warden Lino Soriano, ang mga PDL learner ay sumailalim sa 10-buwang ALS Learning Program na ginabayan ng pagtuturo ng ilang jail guards kabilang na si JO1 Charmaine Yahin, in-charge ALS teacher.

Dumalo sa graduation ang Alkalde ng Manila LGU na si Mayor Dr. Honey Lacuna-Pangan, kung saan nagbahagi ito ng kanyang mensahe.

Suportado at sinaksihan din ito ng mga kaanak ng mga nagtapos na PDL.

Sa nasabing bilang, 146 dito ang nakapag tapos sa elementarya at 265 naman sa Junior High School.

Patuloy na sinisikap ng BJMP na maisakatuparan ang ganitong programa, maihanda ang PDL sa kanilang nalalapit na paglaya at maayos na hinaharap sa pamamagitan ng pagkakaroon ng pormal na edukasyon. –sa ulat ni Felix Laban, DZME News

About The Author