dzme1530.ph

MAHIGIT 400 GASOLINE STATIONS SA BANSA, PANSAMANTALANG NAGSARA SA GITNA NG PAGLOBO NG PRESYO NG OIL PRODUCTS

Loading

Kinumpirma ng Philippine National Police na nasa 403 gasoline stations na sa iba’t ibang bahagi ng bansa ang pansamantalang nagsara sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.

 

Sinabi ni PNP spokesperson Police Brig. Gen. Randulf Tuaño na bahagi ito ng 14,313 fuel stations na kanilang minomonitor katuwang ang Department of Energy.

 

Tutukuyin naman ng DOE kung lehitimo ang dahilan ng pagsasara ng mga gasoline stations.

 

Sa kabila naman nito, tiwala si Tuaño na sapat pa rin ang suplay ng petrolyo sa bansa hanggang April 15.

 

Nangako ang PNP na patuloy ang kanilang monitoring upang protektahan ang mga consumer sa mga mapang-abusong gawain.

About The Author