dzme1530.ph

Mahigit 40 POGOs, nangakong kusang ititigil ang kanilang operasyon, ayon sa DOJ

Apatnapu’t isang lisensyadong Philippine Offshore Gaming Operators ang nagpahayag ng intensyong umalis sa bansa, kasunod ng direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ipagbawal ang operasyon ng POGOs sa Pilipinas.

Pahayag ito ng Department of Justice (DOJ), kasunod ng kanilang meeting kasama ang “Task Force POGO Closure,” na kinabibilangan ng iba’t ibang ahensya na sumasaklaw sa operasyon ng POGO sa bansa.

Ayon sa ahensya, lahat ng specialized visas na inisyu sa Foreign POGO workers ay ida-downgrade sa tourist visas simula sa Oct. 16 para lisanin nila ang Pilipinas sa loob ng 60-araw.

Kabilang sa Task Force ang mga kinatawan mula sa DOJ, Department of Labor and Employment, Presidential Organized Crime Commission, Bureau of Immigration, at Philippine Amusement Gaming Corporation. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera

About The Author