dzme1530.ph

Mahigit 40 katao, sugatan sa missile attack ng Russia sa Ukraine

Pumalo na sa 43 katao ang sugatan kabilang na ang 12 bata matapos ang missile strike ng Russia sa isang residential building sa Kharkiv Region sa Ukraine.

Ayon sa mga otoridad, maaaring isang uri ng Iskander missile ang pinakawalan ng Russia sa isyudad ng ng Pervomaisky.

Agad namang dinala sa pinakamalapit na ospital ang mga biktima.

Nabatid na una nang inanunsyo ng Russia na nasa limang drones na ng Ukraine ang kanilang pinabagsak. —sa panulat ni Jam Tarrayo

About The Author