Apatnapu’t isang bagong party-list organizations ang binigyan ng akreditasyon ng Comelec para sa 2025 national and local elections.
Sinabi ni Comelec Chairperson George Garcia na mas kaunti ang newly accredited party-list ngayon, kumpara sa halalan noong 2022 na nasa 70.
Nilinaw ni Garcia na hindi naman sa nais nilang mabawasan ang mga party-list, subalit ang gusto nila ay tunay na kinakatawan ng mga grupo ang mga marginalized at underrepresented.
Una nang inihayag ng Poll chief na nasa 164 na mga bago at umiiral na party-list groups ang posibleng ma-accredit na tumakbo sa eleksyon sa susunod na taon.
Target ng Comelec na mailabas ang pinal na listahan ng accredited organizations bago matapos ang kasalukuyang linggo. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera