Mahigit 3,000 empleyado ng Philippine Offshore and Gaming Operators (POGO) ang nakaalis na sa bansa matapos ma-downgrade ang kanilang mga visa, ayon sa Bureau of Immigration.
Sinabi ng BI na as of Sept. 24, ay umabot na sa 5,955 visas ng POGO workers ang kanilang na-downgrade.
Sa kabuuang downgraded visas, 55% o 3,275 POGO workers ang nakalabas na sa bansa.
Tiniyak naman ni Immigration officer-in-charge Joel Anthony Viado na bibilisan nila ang pag-proseso sa exit applications ng POGO workers para mapadali ang pag-alis ng mga ito sa Pilipinas.
Idinagdag ni Viado na bumuo ang BI ng mga team na bibisita sa mga POGO hub para sa implementasyon ng visa downgrades mula sa lahat ng specialized visas na inisyu sa foreign POGOs. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera