dzme1530.ph

Mahigit 300 babaeng inmates, tumanggap ng legal at medical assistance —DOJ

Mahigit 300 babaeng inmates mula sa Correctional Institution for Women (CIW) sa Mandaluyong City ang tumanggap ng legal at medical assistance.

Ayon sa Department of Justice (DOJ), karamihan sa naturang Persons Deprived of Liberty (PDLs) ay senior citizens at may mga iniindang sakit.

Binigyang diin ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na ang totoong hustisya ay hindi nakakulong sa batas, bagkus ay palagi itong iginagawad nang may malasakit.

Tiniyak din ni Remulla sa mga PDL na hindi nagpapabaya ang gobyerno sa pag-protekta at pangangalaga sa kanilang mga karapatan. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera

About The Author