dzme1530.ph

Mahigit 30, patay dahil sa gas leak explosion sa isang restaurant sa Tsina

Tatlumpu’t isa katao ang nasawi sa pagsabog dulot ng gas leak mula sa isang restaurant sa Yinchuan City, sa China.

Naganap ang pagsabog sa kasagsagan ng 3-day Dragon Boat Festival Holiday, kung saan maraming tao ang lumabas para makiisa sa pagdiriwang.

Siyam na indibidwal naman, kabilang ang may-ari, shareholders at staff ang hawak ng pulisya, kasunod ng trahedya.

Nabatid na sumingaw na liquefied petroleum gas ang sanhi ng pagsabog sa barbeque restaurant na ikinasugat din ng pito pang indibidwal. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author