dzme1530.ph

Mahigit 30 kalsada, hindi madaanan dahil sa Bagyong Uwan; clearing operation ikinasa —DPWH

Loading

Iniulat ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na 31 national road sections ang pansamantalang hindi madaanan, habang walo ang may limited access, bunsod ng epekto ng Typhoon Uwan.

Karamihan sa mga apektadong kalsada ay nasa Luzon, partikular sa Cordillera Administrative Region, Region 1, Region 2, Region 3, Region 4-A, at Region 5, dahil sa pagguho ng lupa, pagbaha, at natumbang puno at poste. Mayroon ding pagguho ng lupa sa Sultan Kudarat sa Region 12.

Inatasan ni DPWH Sec. Vince Dizon ang lahat ng regional offices na agad magsagawa ng clearing operations upang muling mabuksan ang mga pangunahing kalsada para sa rescue, relief, at transportasyon.

Sa Cagayan Valley at Cordillera Region, nagpapatuloy ang clearing operations ng mga DPWH teams sa pangunahing lansangan bilang pagtupad sa kautusan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., upang tiyaking ligtas at madaanan ang mga kalsada sa gitna ng kalamidad.

About The Author