34 na Chinese vessels ang naispatan sa tatlong lokasyon sa West Philippine Sea, simula ika-7 hanggang ika-13 ng Oktubre.
Ayon sa Philippine Navy, namataan ang China Coast Guard (CCG) vessels sa Ayungin Shoal o Second Thomas Shoal, Sabina o Escoda Shoal, at Bajo de Masinloc o Scarborough Shoal.
Hindi naman idinetalye ng ahensya ang bilang ng mga barko ng Tsina sa iba pang lugar sa rehiyon, maging ang uri ng mga sasakyang pandagat na naispatan sa naturang panahon.
Noong huling linggo ng Setyembre ay nakapagtala ang Navy ng 178 Chinese vessels sa West Philippine Sea.
Kinabibilangan ito ng 28 CCG vessels, 17 People’s Liberation Army Navy ships, 131 Chinese Maritime Militia vessels, at 2 research survey vessels. —ulat mula kay Allen Ibañez, DZME News, sa panulat ni Lea Soriano-Rivera