dzme1530.ph

Mahigit 30 Chinese ships, naka-posisyon sa pagdating civilian convoy ng Pilipinas

Nadagdagan ang bilang ng Chinese vessels sa Panatag shoal sa harap ng inaasahang pagdating ng civilian convoy ng Pilipinas.

Sa image satellite mula sa maritime expert na si Ray Powell, mayroong naka-posisyon na 29 na Chinese maritime militia vessels at 5 na China Coast Guard (CCG) ships sa pinagtatalunang teritoryo.

Sa kabila naman ng presensya ng mga Tsino, tiniyak ng “Atin Ito Coalition” na hindi patitinag ang kanilang mapayapang misyon na maghatid ng mga supply sa mga Pilipinong mangingisda.

Inihayag ng grupo na pangunahing prayoridad nila ang kaligtasan kaya hindi sila magtutungo sa lugar kung saan maari silang gamitan ng water cannon.

 

About The Author