dzme1530.ph

Mahigit 265K katao, apektado ng Habagat sa Mindanao

Daan-daang libong katao ang apektado ng Southwest monsoon o hanging Habagat sa Mindanao.

Sa report ng Disaster Response Operations Management, Information, and Communication ng Dep’t of Social Welfare and Development, kabuuang 265,806 indibidwal o 54,729 pamilya ang apektado ng Habagat sa 175 Brgy. sa Zamboanga Peninsula, Soccsksargen, at Bangsamoro Region.

Samantala, apektado naman ng Inter Tropical Convergence Zone ang 34,883 pamilya o 174,173 katao sa 176 na Brgy. sa Western Visayas, Region 9, Davao Region, Region 12, at BARMM.

Kaugnay dito, nakapaglabas na ang DSWD ng mahigit ₱27-M halaga ng family food packs, non-food items, at financial assistance, kabilang ang ₱22.6-M para sa mga apektado ng ITCZ, at ₱4.6-M sa mga nasalanta ng Habagat.

About The Author