Umabot na sa kabuuang 2,620 ang bilang ng persons deprived of liberty (PDLs) ang nagkasakit noong Marso bunsod ng mainit na panahon.
Ayon Kay Chief Inspector Jayrex Bustinera, tagapagsalita ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), nanguna sa listahan ng summer diseases sa mga inmate ang Acute Gastroenteritis na may 1,466 cases.
Sumunod aniya ang Pigsa na may 600 cases at Gastritis na may 554 cases.
Sinabi ni Bustinera na sa kabila ng mga naitalang kaso ay wala namang na-ospital na PDLs dulot ng mga sakit na dala ng tag-init.
Samantala, 2,578 cases ng hypertension at 1,967 na mga kaso ng pananakit ng ngipin ng inmates ang naitala rin ng BJMP noong nakaraang buwan.