Aabot sa 22,422 na mga pasahero ang na-monitor ng Philippine Coast Guard (PCG) sa mga pantalan sa buong bansa, kahapon, Palm Sunday.
Sa advisory, inihayag ng PCG na 12,899 passengers ang outbound habang 9,523 ang inbound.
Nabatid na nag-deploy ang ahensya ng 3,341 frontline personnel sa 16 coast guard districts.
Bilang paghahanda sa pagdagsa ng mga biyahero ngayong Semana Santa, isinailalim ng PCG ang kanilang districts, stations, at substations sa heightened alert simula April 13 hanggang 20.