dzme1530.ph

Mahigit 21k public buildings, isinailalim sa assessment bilang paghahanda sa ‘The Big One’

Loading

Naisailalim na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang mahigit 21,000 public buildings bilang paghahanda sa “The Big One” o Magnitude 7.2 na lindol o mas malakas pa, na maaring tumama sa bansa.

Sinabi ni DPWH Usec. Catalina Cabral na marami sa mga naturang gusali ay kailangan ng retrofitting para makaagapay sa international earthquake standards.

Aniya, bukod sa mga building ay importante rin ang mga tulay, lalo na sa National Capital Region na mahalaga sa ekonomiya.

Una nang inihayag ng Office of Civil Defense na kailangang makahabol ang Pilipinas sa mga paghahanda upang maka-survive sa Magnitude 7.2 o mas malakas pang lindol na katulad ng naranasan sa Myanmar at Thailand noong nakaraang linggo.

About The Author