dzme1530.ph

MAHIGIT 21 BILLION PESOS, INILABAS NG DBM UPANG MAPAGAAN ANG EPEKTO NG PAGLOBO NG PRESYO NG OIL PRODUCTS

Loading

Inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Department of Budget and Management (DBM) na mag-release ng 21.47 billion pesos.

 

Ito ay para ma-sustain ang infrastructure projects, maprotektahan ang mga trabaho at mapagaan ang pasanin ng mga Pilipino mula sa epekto ng global shocks na dulot ng giyera sa Middle East.

 

Sinabi ni Budget Secretary Rolando Toledo na pinabilis nila ang pagre-release ng pondo upang magtuloy-tuloy ang mahahalagang serbisyo ng gobyerno, lalo na’t nagbabanta ang sumisiping presyo ng langis sa transport costs at household budgets.

 

2.49 billion pesos ang inilaan sa Department of Transportation para sa fuel subsidy program, na magbibigay ng direktang ayuda sa mga driver at operator ng mga pampublikong sasakyan.

 

18.65 billion pesos naman ang ni-release sa Department of Public Works and Highways para ma-sustain ang infrastructure projects sa buong bansa.

 

About The Author