dzme1530.ph

Mahigit 200 silid aralan, nawasak sa pananalasa ng bagyong Kristine

Aabot sa 223 silid aralan ang nawasak habang 415 ang bahagyang nasira bunsod ng pananalasa ng bagyong Kristine, ayon sa Department of Education (DepEd).

Sinabi ni Education Sec. Sonny Angara na iniulat din ng field offices ang mga nasirang school furnitures at computer sets.

Aniya, 18.9 milyong mag-aaral ang hindi nakapasok sa loob ng dalawang araw, na kumakatawan sa halos 37,000 paaralan.

Batay sa datos ng DepEd, tinaya ang inisyal na pinsala sa imprastraktura sa ₱765 million, kabilang ang ₱557.5 million na kailangan para sa reconstruction at ₱207.5 million para sa major repairs.

Inihayag ni Angara na gagamitin ng ahensya ang kanilang quick response fund at rehabilitation fund para sa pagkukumpuni ng mga nasirang eskwelahan. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera

 

 

About The Author