Inaresto ang mahigit 20 katao kabilang ang ilang pro-democracy figure ng Hong Kong police dahil sa pagtatangka ng mga ito na gunitain ang anibersaryo ng madugong Tiananmen Square crackdown.
Ayon sa mga otoridad, marami sa kanila ang ideneploy sa lugar upang pahintuin ang mga tao para sa search and questioning.
Anila ang ilan na natagpuang may dalang kandila na tinuturing na simbolo ng Victoria Park Vigil ay kaagad nilang tinatanong at ikinukulong.
Taong 2020 nang ipataw ng Beijing ang national security law sa Hong Kong na naglalayong sugpuin ang hindi pagsang-ayon at taunang vigil sa lugar.
Matatandaang sa loob ng maraming taon, nakagawian na ng sampu-sampung libong mga taga-Hong Kong ang pagsasama-sama sa Victoria Park ng lungsod upang gunitain ang mga kaganapan noong Hunyo 4, 1989 sa pamamagitan ng candlelight vigils. —sa panulat ni Jam Tarrayo